Thursday, 24 March 2011

"Nawala ako sa AKSYON"

Parang mga kataga sa pelikula kung saan extra lang siguro ang magsasabi, nalaos, na-laocean, sugpak, lagapak. Ito na siguro ang katapusan ng totoong bida...AKO.. nawala ako sa ikot ng mundo ko, ng sariling imahinasyon, at sarili kong pinakasandalan at pinakamahal na adhikain ang magsulat at gumawa ng mga istorya na wla akong pakialam kung pumatok man o hinde. Basta naipapahayag ko ang naiisip ko.

Feeling ko binigo ko silang lahat, mga super hero's ko, mga leading lady, leading man, kontrabida, bida na kontrabida, si Steven Spielberg, si Paulo Coelho, si Mark Twain at syempre si Bob Ong. Nawala na ata talaga ang panlasa ng totoong bida, yung mga bagay na sinabi nilang apoy sa puso mo na pagnaramdaman mo alam mo na kagad ang takbo ng istorya sa novela, iyong apoy na yon na unang pumaso sakin para isulat ang mga inspirasyon ko at isabuhay sa mga titik at linya. Wala na, na-flood na ng Ondoy, tinamaan ng tsunami kaya na wash-away yung mga panggatong, at nabasa narin ang posporo.

Nawala ako sa aksyon ng totoong aking minamahal, ang maging isang manunulat, sumusulat nga ako ulit ngayon pero wala na lahat inspirasyon at mga bagay na gusto ko ipakita sa mundo mukhang ako pa ang nakalimot.

Ngayon na gusto ko hanapin yung taong marami naiisip na istorya ng buhay, love man yan, action, comedy, thriller, sci-fi pa. Asan ka na ba? Kung kailan nagseryoso ako sa buhay chaka ka naman nawala sa piling ko at para bang isinama mo ang kalahati ng puso ko, inilagay mo pa ata sa bagahe mo yung kalahati ng pagkatao ko. Bumalik ka na minamahal kong manunulat, pag-aaralan ko kung paano tayo makakagawa ng isang novelang makakapukaw sa puso ng iba, pag-aaralan ko bawat spelling, meaning, at synonyms and antonyms ng bawat salita.

Bumalik ka na novelistang wala sa deadline, lagapak ang plotline, pero ma-emosyon ang storyline. Gusto ko ulit maramdaman ang paggawa ng isang kakaibang mundo na pupukaw sa mga manonood. At magpapatunay sa aking sarili na andyan pa ang nababagang alab sa aking puso.

Sunday, 28 June 2009

SI SUPER ELIB.....!!

Si Super Elib......



superherong wlng kapang yarihan kundi humanga sa power ng ibang super hero...


Siya ay kilala sa kanilang lugar kapag oras ng paglalaro. Si Lipeng in short, buong pangalan "Lipero K. Hulamasa" ang ni minsan ay di tumalon sa luksong baka, hindi tumakbo sa patentero, nabato ng bola kahit hindi kasali, lang pamato sa piko, hindi bumili ng teks, di nasabunutan ng mga babaeng kababata, wlng part sa bahay-bahayan, hindi alam kung anu ang sipa (kala nya sipa as in "tadyak"), di alam ang kantahin ang langit lupa, ang alam lng sa goma panali sa buhok, di rin marunong pumitik ng jollen.

IBIG SABIHIN WALA SIYANG ALAM NA LARONG PAMBATA...

pero ang isa nman katanginan nya ay hindi sya lampayatot, malusog na malusog kung ikaw ba nman ang tumambay sa harap ng tindahan ewan ko lng kung di ka mapabili, naka-upo lang lagi may hawak na komiks na piso bawat renta sa tindahan ni aling laura, nakauko basa ng basa magugulat ka na lang biglang ngingiti, kukunot ang noo, mag sasalita ng "tsk tsk...", tatawa, at parang nasa ibang planeta at tayo ang mga istorbo sa mundo niya.

Kakaiba nga nman ang tama ni Lipeng sa komiks kala mo kumakaen ng muncher na adik na adik sa lasa, tulad ng kanyang expresyon ay parang matunog na pagnguya sa muncher kitang-kita kung anu ang nangyayari sa istorya. Sapakan na. Naapi ba ang bida. Dumating ulet ang mga pulis kung kailan tapus na ang bakbakan, maghahalikan na ang bidang lalake at ang babae. Bigla nlng may twist sa istorya.

Pansin na pansin ito sa mukha ni Leping at pag natapos na ang pagbabasa ng isang komiks ay parang kuntentong kuntento sa buhay. Yun lang ang mababaw nya kaligayahan sa pang araw-araw. Tulad ng isang bata humahanga kay superman, nagsusuot ng costume ni batman, at hinahagis ni tatay kung saan2x para feeling spiderman.... hindi ganito si Lipeng. Iba ang ang pangarap nya na mas nakakaalam ng istorya ng bawat superhero, sa bawat problema na lumalabas sa bawat istorya na nababasa ni Leping lagi isa at iisang problema ang di mawawala.Yun ang mabuhay ng normal at di mag-aalala sa panganib na paparating,tulad ni Darna na problema ang pag-ibig, si superman na merong luis, si jane na iniibig ni spiderman at si captain barbell na problema ang pang linis ng kalawang.

"May personal rin naman problema ang mga bida" yan ang panananaw ni leping sa komiks haggang sa tumanda sya. Sa utak ng isang bata simple lamang ito ngunit natuklasan ni Leping na sya pala ay bida ng sarili nyang komiks at dapat syang maging isang kabilibbilib na superhero ng kanyang buhay. Astig...!

Itutuloy....
itutuloy...

Tuesday, 16 June 2009

Kakaiba dahil nag-usap kami ni doppelganger???

"Kakaiba yon!! Naka-usap ko ang aking doppelganger at bigla na lang syang nawala ng tuluyan..."


...yan lang ang nasabi ko sa sarili ko ng mawala si doppelganger. Di lang naman isang beses kong naka-usap ang aking doppelganger mga limang araw yun, malay ko lang kung counted ba yung apat na araw kasi sa panaginip lang.


2nd year highschool...


Yan ang kinalalagyan ko noong malaman ko na meron akong doppelganger. Para sa mga inosente ang "doppelganger ay isang nilalang na kamukha mo o gumagaya sa itsura ng isang indibidwal" yun lang ang nalalaman ko wag ng magtanong.


Basta nalaman ko ito noong isang buwan matapos magbukas ang klase sa "pablik"(namesung ng skul nmen), may nagsabi sa aken na nakita daw nila ko sa bayan naglalakad sa novamall. Sabi naman ng titser ko ay nakita niya daw akong sumakay ng jeep ("nasermunan pa nga ako dahil umaabsent daw ako"). Kaya natakot na ko, sunod-sunod na pangayayari mga bagay na nakita ako ng skulmate ko sa labas ng pablik, tapos sinasabi ng iba kong kaibigan sa ibang seksyon na kasama nila ko ng araw na ganito, ng oras na ganito na hindi ko naman matandaan.


Medyo nainis na ko ng pinagalitan ako ng magulang ko dahil may nagsabi raw sa kanila na nasa computer shop ako.....nasabi ko talaga sa loob ko "pesteng doppelganger toh pahamak sa buhay. Lahat na lang nagalit sken yun pala ang masama sa doppelganger di kasi tao kaya nakakagawa ng kasalanan ganun-ganun na lang gamit pa mukha ko.


eto na...aba nagharap kami..

Unang panaginip

Doppel: Anung problema mo saken??


Ako: tanga ka ba??Galit sken ang lahat dahil sayo...,kung gusto mong manggaya eh di humanap ka ng ibang mukha...


Doppel: wla akong kasalanan don...ikaw ang sisishin mo....!!!


Ako: hoy asan ka na..????DUWAG!!!


Ikalawang panaginip


(lagot sken toh)


Ako: hoy...tanga di ka talaga tao. Kaya ibalik mo yang mukha ko.


Doppel: ikaw ang tanga. Tingin muh lang kasi saken mangongopya.


Ako: sira ka pala eh mas masahol ka pa sa kopyador sa school namen., okay lang na malamang ako ng ilang points at least di ako papagalitan nung nangopya..eh...IKAW!! nangongopya ka na ako pa sinisisi mo.??


Doppel: ewan ko ba..?? bobo ka ata..kaya di rin ako naniniwala na may nangongopya sayo...


Ako: aba ikaw ang bobo...!!! di ba nga ikaw ang nangongopya saken, kinokopya mo ung mukha ko...


Doppel: adik ka..?? di ko kinokopya mukha mo, wish mo lang.


Ako: ay...loko-loko..?!!


Ikatlong panaginip

(retarded doppelganger ata tong kumukopya saken aba't sabihing di raw nya ko kinokopya, anung tawag dun plastic surgery..??!)


Ako: andito ka nnaman..??( kunwari la paki effect.)


Doppel: Natural...


Ako: uko na makipagtalo sayo balik mo na lang yung mukha ko.


Doppel: la naman ako dapat ibalik sayo, gumising ka nga..


Ako: kung ayaw mong ibalik yung mukha ko wag ka na lang gumawa ng kalokohan kase ako ang napapahamak.


Doppel: ako gumawa ng kalokohan??


Ako: sinu kaya??


Doppel: ikaw.


Ako: aba retarded na doppelganger..anu ka pa "I have not sin drama" di ka kukunin ni lord di ka tao. sira..


Doppel: Bahala ka..


Ika-apat na panaginip


Doppel: naiintindahan mo na ba??


Ako: ang ano..?? na sira ang kukote mo. Ou, I understand kasi mukha nman walang utak ang hindi nilalang.


Doppel: alam ko na hindi ako tao, ikaw kaya alam mo kung anu ka??


Ako: T-A-O.


Doppel: anu b yan umamin ka..?para kang may 1 day amnesia syndrome. Ganyan ka since grade 1.


Ako: anu?? bket doppel na ba kita noong grade 1 ako.??


Doppel: aba ewan ko sayo. chaka wag mo nga akong tinatawag na doppel dahil di ako doppelganger.


Ako: eh anu ka?? multo, aswang, nuno..??


Doppel: yung ikinakaila mo na wala ka. Ako yung rebelde na e..i..i..*** re..**.


Ako: wah!!


Nagimbal, gumuho ang mundo ko parang empire state building. Totoo ba yun o nagsisinungaling sya pero kahit alin pa sa mga posibilidad hindi ako makapaniwala na itinakwil ko ang sarili ko.

Ikalimang panghaharap....(hindi na toh panaginip..)

Doppel: oh...!anu naintindihan mo na kung sino ako??

Ako: ikaw din ako di bah??

Doppel: ou...

Ako:ikaw yung lumalabas kapag nagsasawa na ko sa ginagawa ko araw-araw??

Doppel: ou..ako nga yung iniisip mo, lahat ng pangbubulakbol mo ikaw talaga ang may gawa noon, parte lang ako siguro ng masasabi mong konsensya pero nasisiyahan din ako sa mga ginagawa mo la naman ako maitutulong kung ayaw mo talaga yun. Kaso wag mong itanggi na ginawa mo nakakababang loob sa totoong sarili mo.

Ako: hindi kaya mutiple personal...

Doppel: oi...!!hindi ako ganun...iba ang mutiple personality. Di mo lang napansin pero noong bata ka ganyan ka na pag may nagawa kang mali bigla na lang hindi mo matandaan kung anu yung ginawa mo. Pinipilit mong kalimutan tulad na lang nung nangopya ka sa math, tapos ung kumain ka ng pagkain na hindi sayo, chaka ung...

Ako: okay tama na!!! Pero bakit ka bigla na lang lumabas para kausapin ako?

Doppel: di ka kaya makulong ka kapag lahat ng gawin mong masama eh...hindi mo matandaan??!! tpos higit pa sasabihin mo wala kang kasalanan kahit ikaw talaga ang gumawa..EH DI PARA KANG TANGA!!!HAHAHAH!!

Ako: so...dapat pa pla magpasalamat ako sayo..??

Doppel: malay ko sayo..?? kung gusto mo oh ayaw mong magpasalamat di nman kasi yun ang hinihingi ko.

Ako: bye na nga lang.

Doppel: sige last na usap na natin ko. hay...nakakahiyang maging parte mo...hahahah...

Ako: eh di umalis ka..!!!!!

2 days after.....

Napag-desisyonan ko na baka nabaliw ako sa loob ng isang linggo ng makausap ko ang sarili kong konsensya. Hindi pala lahat ng kamukha mo ay doppelganger, sa sobrang kalokohan ng nangyari saken ay naisip kong kalimutan na lang..BOOM!!!! yun ayan nnaman ako balak kalimutan ang lahat kahit alam kong ginawa yun ng konsensya ko para wag kalimutan akuin ung mga bagay na ginawa ko naman talaga.

pero nakaramdam ako ng kalungkutan dahil sa tingin ko ang doppelganger ay mali pala......ewan kung anu man sya...!!Ang parang naging tagapayo ko at binigyan ako ng patag na daanan papunta sa reliadad kung sino talaga ako.

Dyan kayo magaling guys..!

Dyan kayo magaling guys...!




Saan ko b yan narinig..??




Sa unang pagkakataon kaya mung sumikat ikaw na tinatawag lng ng iba na tigasaway ng maingay kapag inutusan lang ng guro.Isang salita mo lang ay parang titigil yung mundo ng 3 minuto at iinggay ulet.




ay.?nasabi ko yun...sa sobrang galit...




Galit kaya sila?




pero sa lahat nga nman ng sitwasyon eto ang pinaka naaalala ko.




nasa 4th year highschool na kame noon medyo marami ng kaibigan at well we are the "graduating students" na nangangarag maipasa ang mga projects at mameet ang deadline, sumusunod ng maayos at baka ibagsak pa ng teacher.Ganun nman tlaga pag gagraduate na.


Masayang araw naman ang simula ng lahat.Tawanan ng pabulong habang natuturo ng ekonomiks si mam at kulitan nman bago dumating ang guro nmin sa mapeh.Tapos susunod ang uwian at magsasabing "Good.................bye and Thank.........yo.."ay mali elementary pala yun, Uuwi na ang lahat sabay sabay maglalakad, nagtatawanan paulit-ulit na kwento sa mga nangyari sa araw na yun.Pero di happy ending ang naganap at meron atang loko-loko na binura ang sususnod na kabanata ng istorya at iniba ito.Nagulat na lang kami ng biglang umakyat ang aming punong guro sa huling oras ng value's namen at sinabing "Di ba kayo tatahimik section Bonifacio!, rinig na rinig kayo sa ibaba alam nyo ba yun!"

at dun na nagsimula ang volcanic eruption at lumava na ang mga sama ng loob ni ma'am Angeles.

Minsan sa buhay mag-aaral san'y na kaming pagalitan ng aming mga guro, yung tipong parang kailangan lahat ng gagawin nmen magugustuhan nila. Dahil sa maliit na papel sa ilalim na upuan, kaunting inggay na narinig, di pagbubunot ng sahig at random seating arrangements.

Lahat ng nabanggit nangyari ng araw na yun na dahilan kung bakit PUMUTOK ANG BULKAN!
Pero sa mahabang sermon na natanggap namen sa araw na yun isang malaking twist sa istorya ang ikinagulat ng lahat.

Pag-alis ni ma'am ay nag-ingay ulet ang aming klase at biglang dumating si superman.

"Dyan kau magaling guys..!"

Nanahimik ang lahat, naku patay kame kay sgt. at arms.(sa mga di nakakaalam ang sgt. at arms. ay ang ibinubuto na tagasaway ng klase, minsan taga-ayos ng pila) siguro sa ganung sigaw natauhan kame na minsan sobra na ang magsaya at umastang "okay lang" kasi highschool kame, teenager, understandable kaya kame makulit. Pero minsan di pala dapat ganun ang sitwasyon naintindihan namen na pwede mo namang iwasan na wag mapagalitan. Ibang ang scene ng uwian, tahimik kaming naglalakad at parang mga nakatira ng floorwax ay lutang ang isip namen sa naganap.

Biro mo naman kinabukasan ay parang linya sa penikula "you complete me","run forest run!!","Sunog!!!"Sumikat ang "Dyan kau magaling guys!! at parang epic line na pinagtatawanan namen kapag sinasabi ng joker ng klase.hahahhahah

Ngiti at pagtawa din ang naibabalik ng sgt namen kapag naririnig nya ang sinabi nyang nagapagpatahimik sa buong klase. Para itong epidemya na kumalat sa buong 4th floor ng building namen at parang naituring na Gahdi ang officer namen.

Di ba happy ending pa rin. Ganyan naman talaga ang highschool life...=>

Kwentong Tindahan

Cast:(Mga sangkot sa kaguluhan)

Ako A.K.A Moochi.
Ate ko A.K.A Kapatid kong babae na panganay.

Pinangyarihan:

Tindahan (Ipapaliwanag ko lang hindi kami tumatambay sa labas ng tindahan, samen yung tindahan.)

Pangyayari:

Ate ko: Hoy...himala nagbantay ka ng tindahan...!!

Ako: Himila lumabas ka sa lungga mo..

Ate ko: lam mo meron akong katrabaho parang ikaw pero mas malala

Ako: paki ko naman..??

Ate ko: para siyang isip bata hindi siya marunong magsara ng web page ng computer, tapos nagtatype nagsasalitang mag-isa sabi bah nman "peste ka talaga, talahura kang babae ka" akala ko nga ako sinasabihan eh...hindi nman sken nakatingin. Tapos kaming dalawa lang yung nandun.

Ako:tanga... panung naging ako yun eh marunong pa ko sa pc kaysa sayo, chaka ako nagsasalita mag-isa pag tulog hindi gising. Adik ka..?

Ate ko: Ngayon ko nga lang napansin yun eh.

Ako: anu yun bago lang sa inyu.?

Ate ko: hinde ngaun ko nga lang sya napansin pero na-una pa sya saken mag 1 year and half na yun.

Ako: tae ngaun muh lang napansin. la syang fren..? hahahahah...

Ate ko: hahahahah...kala mo kung sino ka la ka rin naman kaibigan sa skul nyu..La nga nagttxt sayo ngaun eh..

Ako: ows...! kaya pala may nagsasabi sken ng "muzta na..?" chaka may nagsesend ng gm at quotes...hahahahah

Ate ko: hahahahah sino???!! si khem at ysa..??

Ako: hinde ha...d lang yun d b nga merun pang mga unrecognize na number..??hahahahah

Ate ko: tinitxt ka lang para utangan...hahahahah

Ako: utangan kailan nman..??sila pa nga ang nagbibigay ng pera sken nakaka-awa daw ako...hahahahah!!Baka ikaw tinitxt para hingan ng favor...hahahahah!!!!!

Ate ko: weh!!!!kaya pala inutangan ka ni khem ng 100 pesos...hahahahahah!!

Ako: Wag mung ginaganyan si khem nililibre ako ng fish ball nun. hahahahah!!

Ate ko: pulubi...!!fish ball lang...hahahahah!!!

Ako: sira chaka palamig yung gawa sa tubig ulan...Hahhahahah...tawag namin dun "paulanmig" hahahahahah!!!

Ate ko: hahahahah...Gagu!!! may bumibili bentahan mo...!!!

Ako: Hahahahahah...!!! anu bebenta ko katawan ko??? Hahahahah...!!



Note: wala pong customer o mamimili ang nasaktan sa pagsulat ng kwento na ito..

Thursday, 30 April 2009

Kung merong isang pagkakataon sa isang milyon....

Kung meron man di ko pa rin lam kung anung bagay ang gusto kong mangyare....

Marami kasi mahalang bagay ang dumadagdag na pasanin kapag tumatanda ang tao...un ang paniniwala ko...

Kapuna-puna, noong bata ako.. siguro ung napapaliguan pa ko sa labas ng bahay ng nakahubad, at nasasabihan pa ng mga matrona na dumadaan "ui putotoy ni (___) kita ko.(inang yan kung ngaun un, babanat ako "at least malake")."pero mga panahon na un napakababaw ng kaligayahan ng isang musmos na batang tulad ko.

Buhatin lang ako ng tatay ko, ihagis hagis sa kisame na kala mo pag nauntog ako wala syang kasalanan...sisigaw sigaw pa si Papa ng... "SUPERMAN!!!SUPERMAN!!!."Tapos na ang kaligayahan ko pagdumating na ung "Kumpare" nya na "Ninong Ko", nunal na lang ang walang sunburn sa kakabasketball sa katawan nun...

Napatunayan ko na rin na may isang pagkakataon sa isang milyon....

wohh...Lets Boogie...

Meron akong kilala dati itago na lng natin sa namesung na Lukot...Si Lukot ang may pinaka kakaibang pagkakataon sa lahat.Bagsak ang grades ng bata sa eskwelahan, nabagsakan ng kahirapan, nabagsakan ng mga comet sa muhka kaya lukot ang mukha, si Lukot na atah ang nabagsakan ng Malas ni Santanas.

Kung meron nga nman isang pagkakataon sa isang milyon baket un pa ang chance nya?? super walang kwenta...

Nabasa ko ang pangarap ni Lukot (sikret lang natin un..heheheh), isinulat nya ito sa isang nilukot pabola na yellow pad na parang ibabato sa kinaiinisan at natuluan pa yata ng sipon, kaya medyo alangan akong buklatin mukhang na kasing "pinapil,"tunay na PANGET ang sulat ni Lukot ngaun, pero MAS PANGET pa pala noong grade 3 sya.

Nakasulat sa papel na un ang nakakaantig na pangarap ni Lukot para sa kanyang labanderang Ina na sanay itoy guminhawa, ramdam kasi ni Lukot ang pasma na dinadaing ng kanyang Ina. Ako ay nabilibib sa hiling ni Lukot dahil bata pa lang sya noon ay alam nya na kung ano ang praktikal na hingin at tunay na maaaring matupad. Hiling nya lang kay Lord tulad ng iba yumaman na sana sila at magkapera. Kung sikat na si Pacquio noon ako pa ang magiging Freddie Roch para kay Lukot at iuutang ko sya ng milyon kay Pacquio ("Nanay...niya nga lang ang colateral"), pero isang pagkakataon ang dumating kay Lukot, sya nakuha sa PERA O BAYONG
"hindi biro nakuha talaga siya dapat nga ako kaso baka di pa tumataas ung offer eh pera kagad ako".......etoh ang malaking chansa upang si Lukot ay makahawak ng malaking pero datapwat merong kaunting problema,una kahit pamasahe papuntang studio ay wala sya, ikalawa kung sya man ay makapunta makadikit kaya sya sa isang player na lahat ng sagot ay tama, di sya makakapandaya pero imposibleng manalo si Lukot sa utak nyang isa ring gusot...

Para tuloy masabing swerte ay malas pa ang napili sya sa pera o bayong dahil maraming problema ang lalong iniisip nya..."KALOKOHAN NA TOH!!" yun lang siguro ang kaya niyang sabihin at isulat doon sa yellow pad..la pa kasi ang expression na s**t, F**k.

Ako naman sa banda ay dismayado sa mga nabasa ko, parang soft operang wlng katapusan at bitin. Ewan ko ba kung bakit sinulat pa niya ang gnung pangyayare na walang ending, kulang sa plot, at parang hinalukay ng manok ang sulat.

Nasabe ko tuloy sa sarili ko, grade 3 palang sya noon at naisip nya na ang mga ganung bagay eh pareho nman kami ng gulang bkit parang ang ganun ay hindi pa pumasok sa isipan ko, di kaya mababaw na pangarap na yon sa kanya na para saken ay pangarap ng soon-to-be-president ng pilipinas. Ang daming naiwan na tanong sa utak ko.

"Anu nangyare..??nakapasok ba sya sa pera o bayong, Unang-una panu sya nakasali??"

"San sya kumuha ng pamasahe, nanalo ba sya???"

"Bakit sa Yellow pad nakasulat yun?"

"Baket Superman lage sinisigaw ni Papa kapag binubuhat ako ay Spiderman ang paborito ko noong bata???"

"Bakit nilagyan ni Lukot na title na Kung merong isang pagkakataon sa isang milyon...(kaya ba may 3 dot sa dulo ng milyon kase hindi tapos???)

peste dami ko tanong....(bakit kaya??)

Tuesday, 28 April 2009

Ang start ng Evolution...(Moochi..)

Napakasimple kong Panda Bear nung una, malambot, cute, pinagtitinginan ng mga bata, para silang mga hayuk na halimaw na kung makatingin sakin kala mo ako na lang ang natitirang panda bear sa mundo.

Pero ito talaga ang kwento hindi talaga ako isang stuff toy =), isa lang nman akong bata na gustong magsulat ng mga kwentong matagal ko ng kinikimkim. Makalaglag panty nga naman!!!! Pero di ko alam kung bakit tinawag ako na moochi nung kaibigan ko at ang kapal ng mukha nya!!, sya daw kasi nakabili sakin. Eh khit singkong duling wla ako natanggap..., doon ko naisip na mapang-api ang mga pinoy sa kapwa nilang pinoy."Crab mentality" kung tawaging para tayong mga naghihilahan na talangka para makapasok sa balde may isa lang problema khit walong galamay wala tayo para maging masipag.

Napag-usapan lang natin yan kaya bumalik tayo sa totoong mahalaga "AKO." Si yechah ang malditang pasosyal na bata na sa totoo ay pulubi lang naman sa tapat ng bahay namen ang nagsasabing pagmamay-ari nya daw ako (naisip ko na nga "siguro may crush toh saken").

Di ko lang sinasabi baka sabihan ako na makapal ang face ko, pero sobrang gwapo kong toh malaki ang posibilidad hahaha...

Ang nanay syempre ang nagpasok sa utak ko na gwapo ako, kaya sya ang sisihin nyo, siguro sa lahat ng tambay na kilala nyo ako lang ang walang bisyo, hindi ako naninigarilyo, hindi ako umiinom, hindi ako nagrarugby, kahit nga spelling ng siyabuu di ko alam. Naisip ko nalang bigla na magbibisyo pa ba ko eh pangkain ko, damit ko, gamit ko, kompyuter ko, dugo ko, fats sa katawan, kamay at paa at pati lahat ng meron ako galing lahat sa magulang ko. Tapos pati bisyo ko sa kanila LANGYA!!!...para akong gumaya sa kina-aayawan kong tao sa buong mundo.....


ung kapitbahay namen.

Hindi nman ako ung tipikal na tambay na talagang tambay, ung tambay sa sari-sari store, tambay sa bahay, tambay sa basketball court, tambay sa bahay kabi-kabilang bahay ( na hindi ko pa naman nagagawa at wala akong balak gawin..) at pinaka malala ung mga tambay sa kalye na nakakabulag mata dahil walang suot na t-shirt, naiisip ko sa mga taong ganun lalo nilang sinasabi na tambay kasi wala silang trabaho kaya tambay sila kaya wala silang pang bili ng t-shirt o sando.Pero syempre la ko magagawa "looks could be deceiving nga nman."

Ang kongklusyon lang don eh isa akong tambay sa bahay pero yun talaga ang dapat dahil dito ako kumikita ng pera sa lahat ng tambay ako ang may trabaho, kung anung trabaho meron ako un na ang secret. Isa akong promonanteng manunulat (hindi un ang trabaho ko) yan talaga si moochi sa totoong buhay sa sobrang dami ang naiimagine ko kasama na ang mga ilusyon at kalib*gan paminsan-minsan pag sumasakay lang ako sa biro ng taong syang malib*g talaga, pati mga kwento ng titser ko tungkol sa E.S.P at skeletal model na gumagalaw sa marcos building.

Natutunan kong kilalanin ang sarili ko na mapagmasid at mapanuri sa mga nangyayari sa paligid, wala akong third eye o ung katulad sa anime na nababasa ang isip ng tao, di rin ako si Madam Auring na always predict the future kung sino next boyfriend nya.

Napag-isipan ko na ding maging isang "malayang manunulat"(kung tutuusin di ko magets tong word na toh pero ginamit ko sya>.<). Di ko alam kung nauto lang ako ng kaklase ko noong grade 3 pero nagustuhan ko na ding magsulat ng mga bagay-bagay serious man, editorial, sport, features, or trivia. Basta sabi lang ni Mama "follow ur heart anak" tpos nagsecond demotion pah ung commercial na "suportahan taka" ay naku signs na yan ni Lord saken...


Marami din akong naging pangarap habang lumalaki ako di ako basta basta napunta sa pagiging writer..

Knder ako gusto kong maging action star tulad ni FPJ..

Noong Grade 1 ako nahilig si ate pati mga klasmeyt ko sa backstreet boys..ah la na gusto kong maging frontstreet boys ng philippines....

Ng tumuntong ako ng Grade 2 nagkaroon ako ng dalawang dreams...naisip ko maging sadista ng ipis para di naiinis si Mama chaka pilot....

Grade 3 naku un na gusto kong maging writer...pero mga ibong adarna books palang ang gusto kong isulat noon..

Grade 4 naisip kong maging Director....Langya yan..!!! tapang ko kapag naaalala ko toh...Kala ko kasi ang director eh ung tao na sinasaluduhan ng sundalo. Lagi ko pa nman sinasabi sa Tatay ko na pangarap ko toh.

Grade 5 ako naku aga ko tinamad gusto kong maging anak ng mayaman...period!!

Grade 6 gusto ko naman mag-abugado, narinig ko kasi na malaki ang sahod gagawa lang ako nung law suit may halaga na milyon2x.Astig ang kamay ko at ballpen gumagawa ng pera.

1st year highskul tumaas ang pangarap ng bata..,gusto ko ng maging presidente..

Kwento ng titser ko..

Noong kopong2x days pa ni Marcos sa elementarya tinanong sila kung anu gusto nilang maging

Titser ni Marcos:"Mr.Marcos what do you want to be?"

Marcos:tayo kagad walang humihinga sa paligid"I will be the president of the republic of the philippines."

kung ako naman toh ngaun..

Titser ko:"Mr.Moochi what do you want to be?"

Moochi:nagulat sa tanong...biglang pinawisan natuwa sa senaryo dahil maingay ang lahat ( yes...maingay sila di nila ko maririnig)sabay lunok ng laway..."I....I w..well..be da...ahmmm..p..pre..cedent..o..of..da..ahmm.....ahh..

Mam..ung nakaupoh poh sa bansa naten"

klasmeyt:"hahahahahah.....wah.......hahahah"

Titser ko:"sitdown"

peste yan naiimagine ko pa lang....kagimbal2x

Kaya ngaun bumagsak ako sa pagsusulat ng kalokohan.