Thursday, 30 April 2009

Kung merong isang pagkakataon sa isang milyon....

Kung meron man di ko pa rin lam kung anung bagay ang gusto kong mangyare....

Marami kasi mahalang bagay ang dumadagdag na pasanin kapag tumatanda ang tao...un ang paniniwala ko...

Kapuna-puna, noong bata ako.. siguro ung napapaliguan pa ko sa labas ng bahay ng nakahubad, at nasasabihan pa ng mga matrona na dumadaan "ui putotoy ni (___) kita ko.(inang yan kung ngaun un, babanat ako "at least malake")."pero mga panahon na un napakababaw ng kaligayahan ng isang musmos na batang tulad ko.

Buhatin lang ako ng tatay ko, ihagis hagis sa kisame na kala mo pag nauntog ako wala syang kasalanan...sisigaw sigaw pa si Papa ng... "SUPERMAN!!!SUPERMAN!!!."Tapos na ang kaligayahan ko pagdumating na ung "Kumpare" nya na "Ninong Ko", nunal na lang ang walang sunburn sa kakabasketball sa katawan nun...

Napatunayan ko na rin na may isang pagkakataon sa isang milyon....

wohh...Lets Boogie...

Meron akong kilala dati itago na lng natin sa namesung na Lukot...Si Lukot ang may pinaka kakaibang pagkakataon sa lahat.Bagsak ang grades ng bata sa eskwelahan, nabagsakan ng kahirapan, nabagsakan ng mga comet sa muhka kaya lukot ang mukha, si Lukot na atah ang nabagsakan ng Malas ni Santanas.

Kung meron nga nman isang pagkakataon sa isang milyon baket un pa ang chance nya?? super walang kwenta...

Nabasa ko ang pangarap ni Lukot (sikret lang natin un..heheheh), isinulat nya ito sa isang nilukot pabola na yellow pad na parang ibabato sa kinaiinisan at natuluan pa yata ng sipon, kaya medyo alangan akong buklatin mukhang na kasing "pinapil,"tunay na PANGET ang sulat ni Lukot ngaun, pero MAS PANGET pa pala noong grade 3 sya.

Nakasulat sa papel na un ang nakakaantig na pangarap ni Lukot para sa kanyang labanderang Ina na sanay itoy guminhawa, ramdam kasi ni Lukot ang pasma na dinadaing ng kanyang Ina. Ako ay nabilibib sa hiling ni Lukot dahil bata pa lang sya noon ay alam nya na kung ano ang praktikal na hingin at tunay na maaaring matupad. Hiling nya lang kay Lord tulad ng iba yumaman na sana sila at magkapera. Kung sikat na si Pacquio noon ako pa ang magiging Freddie Roch para kay Lukot at iuutang ko sya ng milyon kay Pacquio ("Nanay...niya nga lang ang colateral"), pero isang pagkakataon ang dumating kay Lukot, sya nakuha sa PERA O BAYONG
"hindi biro nakuha talaga siya dapat nga ako kaso baka di pa tumataas ung offer eh pera kagad ako".......etoh ang malaking chansa upang si Lukot ay makahawak ng malaking pero datapwat merong kaunting problema,una kahit pamasahe papuntang studio ay wala sya, ikalawa kung sya man ay makapunta makadikit kaya sya sa isang player na lahat ng sagot ay tama, di sya makakapandaya pero imposibleng manalo si Lukot sa utak nyang isa ring gusot...

Para tuloy masabing swerte ay malas pa ang napili sya sa pera o bayong dahil maraming problema ang lalong iniisip nya..."KALOKOHAN NA TOH!!" yun lang siguro ang kaya niyang sabihin at isulat doon sa yellow pad..la pa kasi ang expression na s**t, F**k.

Ako naman sa banda ay dismayado sa mga nabasa ko, parang soft operang wlng katapusan at bitin. Ewan ko ba kung bakit sinulat pa niya ang gnung pangyayare na walang ending, kulang sa plot, at parang hinalukay ng manok ang sulat.

Nasabe ko tuloy sa sarili ko, grade 3 palang sya noon at naisip nya na ang mga ganung bagay eh pareho nman kami ng gulang bkit parang ang ganun ay hindi pa pumasok sa isipan ko, di kaya mababaw na pangarap na yon sa kanya na para saken ay pangarap ng soon-to-be-president ng pilipinas. Ang daming naiwan na tanong sa utak ko.

"Anu nangyare..??nakapasok ba sya sa pera o bayong, Unang-una panu sya nakasali??"

"San sya kumuha ng pamasahe, nanalo ba sya???"

"Bakit sa Yellow pad nakasulat yun?"

"Baket Superman lage sinisigaw ni Papa kapag binubuhat ako ay Spiderman ang paborito ko noong bata???"

"Bakit nilagyan ni Lukot na title na Kung merong isang pagkakataon sa isang milyon...(kaya ba may 3 dot sa dulo ng milyon kase hindi tapos???)

peste dami ko tanong....(bakit kaya??)

Tuesday, 28 April 2009

Ang start ng Evolution...(Moochi..)

Napakasimple kong Panda Bear nung una, malambot, cute, pinagtitinginan ng mga bata, para silang mga hayuk na halimaw na kung makatingin sakin kala mo ako na lang ang natitirang panda bear sa mundo.

Pero ito talaga ang kwento hindi talaga ako isang stuff toy =), isa lang nman akong bata na gustong magsulat ng mga kwentong matagal ko ng kinikimkim. Makalaglag panty nga naman!!!! Pero di ko alam kung bakit tinawag ako na moochi nung kaibigan ko at ang kapal ng mukha nya!!, sya daw kasi nakabili sakin. Eh khit singkong duling wla ako natanggap..., doon ko naisip na mapang-api ang mga pinoy sa kapwa nilang pinoy."Crab mentality" kung tawaging para tayong mga naghihilahan na talangka para makapasok sa balde may isa lang problema khit walong galamay wala tayo para maging masipag.

Napag-usapan lang natin yan kaya bumalik tayo sa totoong mahalaga "AKO." Si yechah ang malditang pasosyal na bata na sa totoo ay pulubi lang naman sa tapat ng bahay namen ang nagsasabing pagmamay-ari nya daw ako (naisip ko na nga "siguro may crush toh saken").

Di ko lang sinasabi baka sabihan ako na makapal ang face ko, pero sobrang gwapo kong toh malaki ang posibilidad hahaha...

Ang nanay syempre ang nagpasok sa utak ko na gwapo ako, kaya sya ang sisihin nyo, siguro sa lahat ng tambay na kilala nyo ako lang ang walang bisyo, hindi ako naninigarilyo, hindi ako umiinom, hindi ako nagrarugby, kahit nga spelling ng siyabuu di ko alam. Naisip ko nalang bigla na magbibisyo pa ba ko eh pangkain ko, damit ko, gamit ko, kompyuter ko, dugo ko, fats sa katawan, kamay at paa at pati lahat ng meron ako galing lahat sa magulang ko. Tapos pati bisyo ko sa kanila LANGYA!!!...para akong gumaya sa kina-aayawan kong tao sa buong mundo.....


ung kapitbahay namen.

Hindi nman ako ung tipikal na tambay na talagang tambay, ung tambay sa sari-sari store, tambay sa bahay, tambay sa basketball court, tambay sa bahay kabi-kabilang bahay ( na hindi ko pa naman nagagawa at wala akong balak gawin..) at pinaka malala ung mga tambay sa kalye na nakakabulag mata dahil walang suot na t-shirt, naiisip ko sa mga taong ganun lalo nilang sinasabi na tambay kasi wala silang trabaho kaya tambay sila kaya wala silang pang bili ng t-shirt o sando.Pero syempre la ko magagawa "looks could be deceiving nga nman."

Ang kongklusyon lang don eh isa akong tambay sa bahay pero yun talaga ang dapat dahil dito ako kumikita ng pera sa lahat ng tambay ako ang may trabaho, kung anung trabaho meron ako un na ang secret. Isa akong promonanteng manunulat (hindi un ang trabaho ko) yan talaga si moochi sa totoong buhay sa sobrang dami ang naiimagine ko kasama na ang mga ilusyon at kalib*gan paminsan-minsan pag sumasakay lang ako sa biro ng taong syang malib*g talaga, pati mga kwento ng titser ko tungkol sa E.S.P at skeletal model na gumagalaw sa marcos building.

Natutunan kong kilalanin ang sarili ko na mapagmasid at mapanuri sa mga nangyayari sa paligid, wala akong third eye o ung katulad sa anime na nababasa ang isip ng tao, di rin ako si Madam Auring na always predict the future kung sino next boyfriend nya.

Napag-isipan ko na ding maging isang "malayang manunulat"(kung tutuusin di ko magets tong word na toh pero ginamit ko sya>.<). Di ko alam kung nauto lang ako ng kaklase ko noong grade 3 pero nagustuhan ko na ding magsulat ng mga bagay-bagay serious man, editorial, sport, features, or trivia. Basta sabi lang ni Mama "follow ur heart anak" tpos nagsecond demotion pah ung commercial na "suportahan taka" ay naku signs na yan ni Lord saken...


Marami din akong naging pangarap habang lumalaki ako di ako basta basta napunta sa pagiging writer..

Knder ako gusto kong maging action star tulad ni FPJ..

Noong Grade 1 ako nahilig si ate pati mga klasmeyt ko sa backstreet boys..ah la na gusto kong maging frontstreet boys ng philippines....

Ng tumuntong ako ng Grade 2 nagkaroon ako ng dalawang dreams...naisip ko maging sadista ng ipis para di naiinis si Mama chaka pilot....

Grade 3 naku un na gusto kong maging writer...pero mga ibong adarna books palang ang gusto kong isulat noon..

Grade 4 naisip kong maging Director....Langya yan..!!! tapang ko kapag naaalala ko toh...Kala ko kasi ang director eh ung tao na sinasaluduhan ng sundalo. Lagi ko pa nman sinasabi sa Tatay ko na pangarap ko toh.

Grade 5 ako naku aga ko tinamad gusto kong maging anak ng mayaman...period!!

Grade 6 gusto ko naman mag-abugado, narinig ko kasi na malaki ang sahod gagawa lang ako nung law suit may halaga na milyon2x.Astig ang kamay ko at ballpen gumagawa ng pera.

1st year highskul tumaas ang pangarap ng bata..,gusto ko ng maging presidente..

Kwento ng titser ko..

Noong kopong2x days pa ni Marcos sa elementarya tinanong sila kung anu gusto nilang maging

Titser ni Marcos:"Mr.Marcos what do you want to be?"

Marcos:tayo kagad walang humihinga sa paligid"I will be the president of the republic of the philippines."

kung ako naman toh ngaun..

Titser ko:"Mr.Moochi what do you want to be?"

Moochi:nagulat sa tanong...biglang pinawisan natuwa sa senaryo dahil maingay ang lahat ( yes...maingay sila di nila ko maririnig)sabay lunok ng laway..."I....I w..well..be da...ahmmm..p..pre..cedent..o..of..da..ahmm.....ahh..

Mam..ung nakaupoh poh sa bansa naten"

klasmeyt:"hahahahahah.....wah.......hahahah"

Titser ko:"sitdown"

peste yan naiimagine ko pa lang....kagimbal2x

Kaya ngaun bumagsak ako sa pagsusulat ng kalokohan.